pero uuwi kasi ako sa tarlac. ang totoo niyan pinilit ko matapos ang OJT ko ngayong week na ito. bakit? para sana sa isang tao. kaso nga di ko na mabibigay yung time ko. pero di naman nasayang effort ko. niyaya kasi ako nung mga dati kong classmate na magswimming. ang maganda pa nito yung dalawnag crush ko noon kasama *___*
sila daw nagsabi na sumama ako. e paano ba naman! panigurado kukumustahin lang nila kuya ko. close kasi sila ng mga yun. aywan ko ba sa mga yun at kakilala ni kuya -___- hello AGE GAP! hahaha 3 yrs lang naman pero hello pa din! friendly talaga mga lalaki. sa isang campus yata magkakakilala lahat ng lalaki e hahahaha. pansin ko lang.
sana crush ko pa din sila kaso di na e HAHAHA.
ah basta sasama ako sa swimming kahit di ako magswim! HOHOHO
heto yung ayoko sa lahat. kinikilabutan talaga ako kapag nililink kaming dalawa. di naman sa nandidiri pero ganun kasi ako kapag ayoko talaga sa isang tao. though hindi naman totally. pero kasi naiirita na ako. kung maka-asta akala mo naman boyfriend ko siya. tangna niya lang. ultimo oras ng pagtulog ko tinitira? paki niya ba? sino ba siya? boypren lang? naiinis ako kapag nagtetext to kasi hello? kelangan sinasabi niya pa sakin lahat ng ginagawa? pakialam ko naman diba? pati ba naman oras ng pag-uwi sinasabi. sino ba siya? e kelan ko lang siya nakilala. nagsisi naman tuloy akong nabigay ko number ko. pero teka nga? binigay ko ba? hindi nga yata. ibinigay lang yata sakanya. creepy lang kasi KELANGAN TUMWATAWAG PA? hindi ko nga sinasagot e ayun nahalata yata niya. buti nga e. kaya at least nabawasan ng text at call. kaso pag sa opis. oo sa opis. oo ka-ojt ko. sobrang lapit niya sakin. takte!!! sabi nung kasama namin kung hindi ko kayo kilala mapagkakamalan ko kayong KAYO! taena? putakte ba siya? kinilabutan naman ako. todo layo na nga ako mukang kami pa rin? what the hell. naiinis talaga ako kasi nga lapit siya ng lapit gayong lumalayo naman ako! ang stalker type lang nalaman pa niya yung about kay aril daine. anmeron? interesadong interesado ata sakin to?
kanina nag-usap kami nung girl na kasama namin. sinabi ko na sakanya to kasi nga kinikilabutan ako T___T creepy talaga mga teh!
tapos kanina diba OT kami? nauna na kaming umalis kasi nga as much as possible ayoko kasabay mag-out si guy kasi panigurado hihintayin nanaman ako nun hanggang makasakay! e putakte! walang masakyan kanina. inabutan pa kami nung si guy!!! nak ng chuta talaga. sobrang lumalayo ako kanina sakanya. ni hindi ko na siya tinitignan para naman maramdaman niyang ayoko nung ginagawa niya. di ko pa nga kasi madiretso. siguro pag natapos na ako. sabihin kong tumigil siya sa ginagawa niya.
sinabi ko to kay pam. heto ang sinabi niya:
“baliw bea ayoko din naman yun para sayo. ang ganda mo naman para sakanya. saka ewan ko ba! ayaw ko talaga siya para sayo. pero may itsura siya basta hwag siya teh. iba nalang. hwag ka na kaya magboypren?” tumatawa siya habang sinasabi yan. nasa jeep na nga kami nun e.
heto yung pinoproblema ko. mababaw ba? pwes kung sainyo mababaw. sakin hindi. kinikilabutan ako. para siyang stalker na kelangan malaman lahat ng gagawin ko. pati iba talaga trato niya sakin, iba sa mga kasama ko. nung isang araw ko lang talaga napansin. kung hindi pa sinabi sakin di ko talaga yun mapapansin.
kasi nga akala ko ganun ang trato niya sa lahat. puchaaa. malala pala sakin. pero never ako nagrespond sa mga text at twag niya. like hello? ano ako? makikipaglandian? DUH!
sinabi ko to sa kuya-kuyahan ko kagabi kasi siya lang naman ang may ganang makinig sakin. sinubukan ko sabihin sa mas may tiwala ako kaso di naman ako pinansin. masakit yun a. pero yae na. ayoko na din naman. kinikilabutan talaga ako promise. di bale 2 days pa. tapos palitan ko na kaya number ko? XD tangna makaiwas lang dun magpapalit pa talaga ako ng number?
I’m done reading this 3 stories! And ang masasabi ko lang…., WOOOOW~! BOOOM ANG GANDAA NG STORRYY! Grabe touched na touched ako lalo na sa Book 3. Saya. Kilig. Inis. Lungkot. Iyak. Mura. Tawa. Eto lang ang nararamdaman ko habang binabasa ko yung story. Para na nga akong baliw dito sa kwarto ko,…
Tapos ko na mabasa ung book 3 ng Sadist Lover (Definitely a Sadist) ^.^ Hangganda talaga ng story na un XD May Book 4 kaya? haha. pero sana meron =)) okay. Goodmornight na din ~.~
ano kasi. ampangit-pangit ko talaga. ewan ko ba. nung isang araw pa talaga ako napapangitan sa sarili ko. hindi naman kasi talaga ako maganda. alam ko naman yun. madami lang talagang bolera’t bolero sa panahon ngayon. ano kasi, nacoconcious ako bigla. kaya sobrang napapangitan ako sa sarili ko. hindi kasi ako pala ayos. as in hindi talaga. make-up? maglalagay nga sa umaga wala namang retouch retouch. ni hindi ko nga alam brand nung make up ko. basta ang alam ko bigay ng nanay ko yun. napag-isip isip ko din na parang di talaga ako dalaga hahaha. hello? 19 na ako pero ni wala akong kaalam alam sa pag-aayos!
siguro napakawalang kwenta nitong blog na ‘to. keri lang wala naman akong kwenta XD.
Sa dinami-dami kong kaibigan, ewan ko ba at sa cyber friends pa ako talagang nagtitiwala. Hindi ako friendly sa personal. Hindi din ako sweet sa mga kaibigan. Ni hindi ko nga kayang laitin masyado ang mga kaibigan ko noon. Pero prangka ako. Sinasabi ko ang ayaw ko sa mga kaibigan ko.
nakakilala ka na ba ng tulad ng isang Kristin Camille? Kung hindi pa ang malas mo naman! Ang masasabi ko lang sakanya, ang swerte kasi ng mg anagiging kaibigan niya. kasi siya may pakialam siya. kasi siya pag may problema ka, kahit na anong loko pa ng babaeng to magsasabi at magsasabi yan ng saluobin. para sakin mahalaga yun, kahit pa idaan sa tawa yun kasi nga kahit mabigat ang problema mo makikinig yan! kahit na mananahimik nalang siya at least may nakikinig!!! haha. tapos later on baka sabihan ka ng ANG TANGA mo naman. for me the best yun! imumulat ka kasi niya sa katotohanan. Mas bata siya saakin pero look!!! minsan mas matured pa siya mag-isip saakin.
isa siyang tunay na kaibigan. kaya nga tuwang-tuwa ako sakanya kasi nga totoo siya. hindi tulad nung iba na napaka plastic. si kise kasi kahit na hirap mag-open up yan minsan at least sasabihin pa niya kelangan mo nga lang pilitin XD kasi nga nahihirapan magsabi yan ng problema!!! sa pananaw ko kasi siya yung taong ayaw malungkot ang mga taong nasa paligid niya kasi siya yung taong masiyahin, nagpapatawa… kaya dapat lagi siyang naka smile. kaso hindi naman pwede yun. minsan dapat ilabas din niya yung nasa loob niya.
nagpaligoy-ligoy pa ako! nainis lang naman ako sakanya kagabi kasi sabi ko tatawag ako ng 11:55 aba! nakasilent ang takteng cellphone niya! AYAN DI KITA BABATIIN KAHIT SOBRANG MAHAL NA MAHAL KITA HAHAHA.
pero THANKFUL akong ipinanganak ka. kaya salamat sa nanay at tatay mong bumuo sayo HAHAHA.
heto na ang message ng bayan sa mga taong sinusulatan nila: hwag ka magbabago. keep smiling. i love you so much babae :**
ang swerte kong kaibigan kita <3